Linggo, Setyembre 18, 2011

CFCA patuloy sa proyektong ALAY DUGO

Matapos ang unang proyekto ng grupong CFCA na Alay- Dugo nuong Hunyo, ay patuloy na sa pangangalap ng ligtas na dugo ang nasabing samahan. 


Sa kanilang isinagawang Bloodletting nitong nakaraang Linggo- Setyembre 18, 2011, ay nakakuha ang grupo ng 46 na blood bags mula sa kanilang  mga miyembro. Ang proyekto ay kanilang ginanap sa Covered Court ng Barangay Mahabang Parang, Binangonan. Naging katuwang ng CFCA sa proyekto ang Philippine Blood Center- DOH sa pakikipagtulungan sa Angono Life Savers. Sa October 10 naman ay muling magsasagawa ng kahalintulad na programa ang grupo sa iba pa nilang chapters.

Ang Angono Life Savers ay patuloy na nakikipagtulungan sa iba pang mga samahan upang mapalawig pa ang adbokasiya nito.

BINGO for a Cause

Aabot sa mahigit dalawamput-apat na piso (P24,000.00) ang ipamimigay ng Angono Life Savers sa BINGO for a Cause project na gaganapin sa October 22, 2011. Ang proyekto ay gaganapin sa Angono Gymnasium sa ganap na ala-una ng hapon.


Nuong nakaraang taon, sang ginang mula sa Poblacion Ibaba ang masuwerte at solong nanalo ng halagang P10,000 mula sa ginanap na pa-Bingo ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. Ngayong taon ay muling magsasagawa ng kaparehong proyekto ang samahan upang mabigyang suporta ang mga programa nitong pag-kalusugan at pang-kaligtasan.

Mas pinalaking premyong nagkakahalagang  P12,000, P7,000 at P5,000 ang ipamimigay ng Life Savers. Bukod pa sa dagdag na 10 Consolation Prizes ay may RAFFLE din para sa lahat ng nagsibili ng BINGO Cards.

Ang makakalap na pondo mula sa paBingo ay gagamitin ng grupo upang maipantustos sa mga proyekto nitong tulad ng Blood Services, Medical Missions, Safety Seminars, Health Lectures at iba pa.

Ang bawat card ay nagkakahalaga lamang ng P50. Upang makabili, maaring makipag-ugnayan kina G. Boybing Bartolome-09165015356; Dennis Samonte-09054035364; o sa kanino mang opisyales ng samahan.