MAY 27, 2012- Sa ika-12 pagkakataon ay muling dinagsa ng mga bayaning blood donors ang ginanap na Mobile Blood Donation ng Angono Life Savers.
Ika-pito ng umaga- isang oras bago ang itinakdang oras ng ALSI para sa kaniyang Bloodletting program sa Gingergrace Academe, ay halos puno na ng tao ang hanay ng mga nais mag-alay ng dugo. Umabot sa mahigit 120 ang nagpatala upang boluntaryong mag-handog ng kanilang dugo. Ang blood collection ay pinangunahan ng Philippine Blood Center- DOH.
Eksaktong 110 naman ang matagumpay na nakuhanan ng dugo. Kapansin pansin na higit na mababa ang porsyento ng mga pansamantalang hindi pinayagang makunan.
Ang programang Alay Dugo ng Angono Life Savers ay sinuportahan ng Gingergrace Academe, Leterato, Kuya Bryan Cruz, Merino Business Consultancy, Nutribiz, Heldicks Poultry Supply at ni Bb. Vicky Esteban. Naghandog din mula ng kanilang awitin at sayaw ang mga kabataan mula sa grupong 1 Dream, 1 Music.
Sa kabuuan ay mababakas ang taglay na bolunterismo at kabayanihan ng mga Blood Donors at pagkakaisa naman ng mga ALSI partners.
Ang susunod na Alay Dugo program ng ALSI ay sa August 26, 2012- Linggo at gaganapin sa Old Site ng Angono Private High School.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento