Muling dumagsa ang mga blood donors sa isinagawang blood letting project na pinangunahan ng Angono Life Savers (ALSI) Inc nitong ika-28 mg Agosto, 2011 sa Angono Private High School.
Umabot sa halos 160 katao ang nagpatala upang boluntaryo na makibahagi sa programa. Nasa 113 naman ang matagumpay na nakunan at nakapagbahagi ng kanilang dugo.
Ang daming 113 ay ang pinaka-mataas na sa tala sa kasalukuyan ng grupo. Magugunitang nitong Mayo lamang ay umabot sa 104 ang nakalap sa regular na proyekto ng ALSI.
Naging kabahagi naman ng Life Savers sa tagumpay ng progrma ang Holy Name Society, Kiwanis Club of ASAC Angono, DOH- Region IV-A, Leterato Port Studio, Kuya Bryan Cruz, Camp Theodore Coffee Bar, Kap. Bobet Sison, Ms. Ghe Rodel, Philippine Home Pharmaceuticals, Pharex, Mr.Saturnino Tiamson Jr,. Mr. Boy Heldicks Juliano, Boy Scouts- ANHS, at ms. Evelyn Lising.
Samantala naging punong abala naman ang Angono Private High School na taos pusong tinaggap na ganapin ang proyekto sa kanilang paaralan. Naging katuwang ang mga guro at estudyante ng nasabing paaralan upang maihanda ang lugar sa mga darating na donors. Sa unang pakikipag-usap pa lamang ng ALSI sa Punong Guro nito na si G. Reynaldo Faustino ay winika agad nito ang isang milyon at isang porsyento ng kanyang suporta sa mga ganitong gawain. Sa labis na kasiyahan ay inialok pa nito ang isa pa nilang paaralan sa Taytay upang mapagdausan din ng kahalintulad na proyekto.
Dumalaw din naman ang ABS-CBN News Team upang kanila namang maibahagi ang kabayanihan ng bawat donors. Mahalaga na malaman ng bawat mamamayan ang kahalagahan ng pag-aalay ng dugo lalo't ngayon ay laganap ang sakit na dengue sa bansa.
Sa huli, ay labis ang pasasalamat ng grupo sa Panginoon at sa mga makabagong bayani at muli ay marami na namang masasagip na buhay.
Para sa mga dagdag na larawan:
https://www.facebook.com/?ref=home#!/media/set/?set=a.280007708680242.87623.100000130456678
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento