Huwebes, Agosto 18, 2011

ALSI, Nagturo sa mga Estudyante ng APHS tungkol sa Dengue

August 18, 2011- Sa pagsisimula ng araw ng mga estudyante ng Angono Private High School matapos ang kanilang arawang flag cremony ay nagbigay ng maigsing lecture ang grupo ng Angono Life Savers sa mga estudyante ng APHS tungkol sa kinatatakutang Dengue.


Sa nasabing programa ay ipinaalam sa mga mag-aaral ang mga dahilan at kung paano ba maiiwasan ang naturang sakit. Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtaas ng kaso ng mapaminsalang sakit sa buong bansa kabilang ang ilang kalapit bayan ng Angono.

Kaugnay nito ay tinukoy ng ALSI ang kakulangan ng sapat na suplay ng dugo na mahalaga para sa ilang pasyente nito. Karaniwang sinasalinan ng dugo ang mga pasyente kapag bumababa na ang lebel nito.


Kasabay ng lecture ay ang pagpapaabot paanyaya sa mga magulang ng mga bata sa gaganaping Bloodletting Program sa kanilang paaralan.

Sa Agosto 28 ngayong taon ay gagawin sa APHS sa Barangay San Roque-Angono, Rizal ang ika-9 na Bloodletting Project ng grupo mula ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Samantala, ipinaalam din ng grupo na ang nasabing programa ay bukas sa lahat ng mamamayang nais mag-alay ng dugo.

Isa sa mga sponsor at maghahandog ng libreng Souvenir Shirt sa mga matagumpay na blood donors ay si Kuya Bryan Cruz na alumni ng APHS Batch 1998.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento