"Your blood is not just fluid, you blood is life", iyan ang naging bungad na wika ni Philippine Red Cross Chairman at dating Senador Richard Gordon sa kanyang mensahe sa isinagawang Blood Donors' Recognition Ceremony sa Palacio de Maynila ngayong ika 29 ng Hulyo, 2011.
Nakatanggap ang Angono Life Savers ng Certificate of Appreciation kasama ang isandaan at walong ibang samahan at korporasyon. May limang iba pang kategoryang parangal ang iginawad naman sa ibang naimbitahan. 159 namang indibidwal o blood galloner ang naparangalan batay sa natatangi at kahanga-hangang dami o bilang nang kanilang naging pag-aalay ng dugo. Ang may pinakamataas na parangal ay nakuha ng isang guro na nakapagbigay na ng umabot sa 56 na beses.
Samantala, kabilang din sa mga nabigyang parangal ay ang Provincial Government of Rizal para sa natatanging serbisyo nito sa pangangalap ng dugo.
Sa mensahe ni Gordon sa nasabing palatuntunan, ay kanyang iginiit ang kahalagahan ng "volunteerism" lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Kanyang itinulak ang Project 143 ng Philippine Red Cross kung saan ay naghihimok ito na magkaroon ng isang lider at apatnaput tatlong miyembro o volunteer sa bawat barangay sa bansa. Nangangahulugan ito na kung may 42,000 na barangay sa Pilipinas ay maaring makapangalap agad ng halos 1.8M na dugo na maitutugon sa pangangailangan ng ating pasyente. Gayundin, kung ang mga ito'y masasanay at magiging handa sa mga oras ng pangangailangan ay agad na may makatutulong sa oras man ng kalamidad.
sa mga dagdag na larawan: http://www.facebook.com/media/set/?set=a.264132620267751.84442.100000130456678&saved#!/media/set/?set=a.264132620267751.84442.100000130456678&type=1
congrats! sa ALSI! irepost at re[ort ko ito sa rizalnewsonline ha? okay lang? salamat. :)
TumugonBurahin