Sabado, Hunyo 11, 2011

Dugong Bayani, Online na!

Mula ngayon ay mas mabilis nang mababasa ng ating mga kababayan ang mga kaganapan sa Angono Life Savers. Gamit ang makabagong teknolohiya ay mas mabilis na maibabahagi ng ALSI ang mga updates sa mga proyekto nito.

Sa kasalukuyan mula nang unang mailathala ang Dugong Bayani nuong May 2010 ay nakapaglabas na ito ng 4 na printed issues. Ang Dugong Bayani ay ang opisyal na Newsletter ng nasabing samahan.

Tulad sa printed issues ay maaring abangan ng mga miyembro, blood donors, ka-bayani partners at mga volunteers ang mga balita hinggil sa naganap at magaganap pa lamang na mga proyekto at pagpupulong ng ALSI. Maglalathala rin ang Dugong Bayani ng mga proyekto ng pamahalaan na naayon sa adbokasiya nitong pangkalusugan at pangkaligtasan, mga heath and safety tips and trivias at iba pang mga nauukol na impormasyon.


Hanggang sa muli!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento