Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Announcements. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Announcements. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Marso 11, 2012

Dugong Bayani Online, muling nagbabalik

March 11, 2012
 
Mabuhay mga ka-Bayani!

Ang Dugong Bayani Online ay muli pong nagbabalik upang patuloy na makapaghatid sa inyo ng mga updates sa mga kaganapan at proyekto ng ating Angono Life Savers (ALSI) Inc. Pansamantala pong nagpahinga ang patnugot ng Dugong Bayani upang  mabigyang daan ang mga pagbabago sa sistema ng ALSI sa paghahatid sa inyo ng mga balita.

Masaya din pong ipinaaalam ng Dugong Bayani Online na "go na go" na din po ang mas pinagandang website ng ALSI ang www.angonolifesaversinc-alsi.org

Nitong nakaraang Linggo po ay payak na ipinagdiwang ng Angono Life Savers ang kaniyang ika-3 Anibersaryo. Tatlong taon ng taos-pusong paglilingkod sa ating mga kababayan.

Naging sentro ng pagdiriwang ang pagsasagawa ng ika-11 Mobile Blood Donation Program sa Blanco Family Academy. Lalong tumingkad ang kasiyahan dahil sa parehong pagkakataon ay nai-featureI naman sa isang programa ng ABS-CBN ang ating pinagpipitaganang samahan. Sa mga susunod pong mga artikulo ay ating iisa-isahin ang mga nasabing kaganapan.


Gayundin, ay ating pong papasadahan ang ilang naging aktibidades ng grupo habang nagpapahinga ang blogspot nating ito.

Salamat po sa patuloy ninyong pagtangkilik at pagsuporta sa Angono Life Savers at sa Dugong Bayani Online.

Linggo, Setyembre 18, 2011

BINGO for a Cause

Aabot sa mahigit dalawamput-apat na piso (P24,000.00) ang ipamimigay ng Angono Life Savers sa BINGO for a Cause project na gaganapin sa October 22, 2011. Ang proyekto ay gaganapin sa Angono Gymnasium sa ganap na ala-una ng hapon.


Nuong nakaraang taon, sang ginang mula sa Poblacion Ibaba ang masuwerte at solong nanalo ng halagang P10,000 mula sa ginanap na pa-Bingo ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. Ngayong taon ay muling magsasagawa ng kaparehong proyekto ang samahan upang mabigyang suporta ang mga programa nitong pag-kalusugan at pang-kaligtasan.

Mas pinalaking premyong nagkakahalagang  P12,000, P7,000 at P5,000 ang ipamimigay ng Life Savers. Bukod pa sa dagdag na 10 Consolation Prizes ay may RAFFLE din para sa lahat ng nagsibili ng BINGO Cards.

Ang makakalap na pondo mula sa paBingo ay gagamitin ng grupo upang maipantustos sa mga proyekto nitong tulad ng Blood Services, Medical Missions, Safety Seminars, Health Lectures at iba pa.

Ang bawat card ay nagkakahalaga lamang ng P50. Upang makabili, maaring makipag-ugnayan kina G. Boybing Bartolome-09165015356; Dennis Samonte-09054035364; o sa kanino mang opisyales ng samahan.

Lunes, Hunyo 20, 2011

Sali na! Join the ALSI Advocacy

Kayo ba ay Blood Donor? O may interes maging Emergency Responder? Nais magsulat sa Dugong Bayani? Health worker? O sadyang matulungin lang at gusto mo lang talaga ang mga ginagawa ng ALSI?



Join na sa ALSI. Maging bahagi ng isa sa mga aktibong samahan ngayon. Ano ang magagawa mo para sa Diyos, Kapwa at Bayan mo?



Kay sarap at kay sayang makatulong!


Ano nga ba ang ALSI?

Kung nais mong makibahagi at makisaya, makipag-ugnayan kina:

Gilbert-09217333260
Vicky-09192327132
Maricor-09289983502
Dennis-09054035364
o sa sinumang opisyales ng samahan



Hihintayin po namin kayo!

Mag BINGO! Tumulong at Manalo

Nuong nakaraang taon, sang ginang mula sa Poblacion Ibaba ang masuwerte at solong nanalo ng halagang P10,000 mula sa ginanap na pa-Bingo ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. Ngayong taon ay muling magsasagawa ng kaparehong proyekto ang samahan upang mabigyang suporta ang mga programa nitong pag-kalusugan at pang-kaligtasan.

Sa October 22, 2011 sa Angono Gymnasium ay isa na namang nakapananabik na Bingo ang gaganapin ng ALSI.

Mas pinalaking premyong nagkakahalagang  P12,000, P7,000 at P5,000 ang ipamimigay ng Life Savers. Bukod pa sa dagdag na 10 Consolation Prizes ay may RAFFLE din para sa lahat ng nagsibili ng BINGO Cards.

Ang makakalap na pondo mula sa paBingo ay gagamitin ng grupo upang maipantustos sa mga proyekto nitong tulad ng Blood Services, Medical Missions, Safety Seminars, Health Lectures at iba pa.



Ang bawat card ay nagkakahalaga lamang ng P50. Upang makabili, maaring makipag-ugnayan kina G. Boybing Bartolome-09165015356; Dennis Samonte-09054035364; o sa kanino mang opisyales ng samahan.

Sabado, Hunyo 11, 2011

Dugong Bayani, Online na!

Mula ngayon ay mas mabilis nang mababasa ng ating mga kababayan ang mga kaganapan sa Angono Life Savers. Gamit ang makabagong teknolohiya ay mas mabilis na maibabahagi ng ALSI ang mga updates sa mga proyekto nito.

Sa kasalukuyan mula nang unang mailathala ang Dugong Bayani nuong May 2010 ay nakapaglabas na ito ng 4 na printed issues. Ang Dugong Bayani ay ang opisyal na Newsletter ng nasabing samahan.

Tulad sa printed issues ay maaring abangan ng mga miyembro, blood donors, ka-bayani partners at mga volunteers ang mga balita hinggil sa naganap at magaganap pa lamang na mga proyekto at pagpupulong ng ALSI. Maglalathala rin ang Dugong Bayani ng mga proyekto ng pamahalaan na naayon sa adbokasiya nitong pangkalusugan at pangkaligtasan, mga heath and safety tips and trivias at iba pang mga nauukol na impormasyon.


Hanggang sa muli!