Lunes, Hunyo 20, 2011

Mag BINGO! Tumulong at Manalo

Nuong nakaraang taon, sang ginang mula sa Poblacion Ibaba ang masuwerte at solong nanalo ng halagang P10,000 mula sa ginanap na pa-Bingo ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. Ngayong taon ay muling magsasagawa ng kaparehong proyekto ang samahan upang mabigyang suporta ang mga programa nitong pag-kalusugan at pang-kaligtasan.

Sa October 22, 2011 sa Angono Gymnasium ay isa na namang nakapananabik na Bingo ang gaganapin ng ALSI.

Mas pinalaking premyong nagkakahalagang  P12,000, P7,000 at P5,000 ang ipamimigay ng Life Savers. Bukod pa sa dagdag na 10 Consolation Prizes ay may RAFFLE din para sa lahat ng nagsibili ng BINGO Cards.

Ang makakalap na pondo mula sa paBingo ay gagamitin ng grupo upang maipantustos sa mga proyekto nitong tulad ng Blood Services, Medical Missions, Safety Seminars, Health Lectures at iba pa.



Ang bawat card ay nagkakahalaga lamang ng P50. Upang makabili, maaring makipag-ugnayan kina G. Boybing Bartolome-09165015356; Dennis Samonte-09054035364; o sa kanino mang opisyales ng samahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento