Linggo, Hunyo 12, 2011

Blood Donors Umabot sa 104

Umabot sa isandaan at apat (104) na blood donors ang matagumpay na boluntaryong nakapag-alay ng dugo sa ginanap na "Dugo Ko, Alay Ko" bloodletting project nuong Mayo 29, 2011, araw ng Linggo sa St Clement Parish Formation Center.

Sa pakikipagtulungan ng Life Savers sa Holy Name Society at Jollibee-Angono ay nakamit ng grupo ang pinakamataas na tala ng blood donation sa Bayan ng Angono.


Samantala ay muli na namang naghandog ng libreng souvenir shirt sa mga donor si Kuya Bryan Cruz, habang ang Leterato ay nagbigay ng libreng serbisyo sa pagkuha ng litrato. Kasabay nito ay sa halip na magkaroon ng pribado at magarbong handaan ay ipinagdiwang ng batang si MoiMoi Merino ang kanyang ika-3 kaarawan sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga nagsidalo sa bloodletting, habang ang nagbigay ng libreng mineral water ay si Ms. Vicky Sebastian.

Bukod sa balik-pasasalamat ay higit na mas masaya ding umuwi ang ilang nanalo ng tig-lilimang kilo ng bigas na pina-raffle sa bawat donor. kabilang sa mga nagbigay ng paraffle na bigas ay sina Konsehal Januver Tiamson, Bb. Renee Zamora, Konsehala Janine Rivera at Kagawad Liwanag ng Brgy San Vicente.

Ang proyekto ay ginampanan ng Philippine Red Cross East Rizal Branch.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento