Sa susunod na tatlong sabado- June 11, 18 at 25, 2011 ay magsasagawa ang Angono Life Savers (ALSI), Inc. ng Emergency Response and Basic Life Support Training para sa lahat ng mga nagnanais na matuto ng wastong kahandaan sa oras ng pangangailangan.
Katuwang ang Taytay Search and Rescue Team at Blanco Family Academy, ay naglalayon ang ALSI na maging handa ang bawat mamamayan sa mga oras ng kalamidad at sakuna.
Ayon sa pamunuan ng grupo, kahit nagsimula na ang unang araw, ay maari pa ring lumahok ang mga nais humabol. Ang pagsasanay ay isinasagawa sa quadrangle ng Blanco Family Academy sa kanto ng Ibanez at Ipil St., Brgy San Vicente, Angono, Rizal. Sa panghuling araw ay hangad na makita ng mga facilitators ang natutuhan ng mga nagsidalo sa pamamagitan ng simulation o pagganap ayon sa posible at aktwal na pangyayari.
Para sa ilang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Chairman ng ALSI Disaster Risk Reduction and Emergency Response Committee na si G. Nick Sisican sa 0916-4812626 o di kaya ay kay Gng. Connie Ofamen sa 0920-9216113.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento