Lunes, Hunyo 13, 2011

Sa Unang 6 na Buwan: Nakalap na Dugo sa Angono Umabot sa Mahigit 300

Umabot sa mahigit 300 bag ng dugo ang nakalap sa unang anim (6) na buwan pa lamang ng taon sa bayan ng Angono. Sa pagtutulungan ng ibat-ibang samahan at sa suporta ng pamahalaang bayan ay matagumpay na nakakapagsagawa ng Bloodletting Projects sa ibat ibang panig ng bayan.

Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nasa walong Mobile Blood Donation (MBD) ang naisagawa sa buong bayan.

Petsa
Lugar
Organizers
Bilang ng nakuhang Dugo
January 22
Brgy. Mahabang Parang
Municipal Government/ MHO
5
February 27
St. Clement Parish
Angono Life Savers (ALSI)
Holy name Society
97
March 19
Brgy. Mahabang Parang
Tau Gamma Phi
20
April 26
Brgy. Kalayaan
Tau Gamma Phi
23
May 01
St. Clement Parish
Knights of Columbus
Rotary Club
22
May 10
Brgy. Kalayaan
Sagguniang Barangay- Kalayaan
10
May 29
St. Clement Parish
Angono Life Savers (ALSI)
Holy Name Society
104
June 12
Brgy. Pob. Ibaba
CFCA
36

Total

317

Sa huli ay mas higit na pinasasalamatan ng mga organizers ang bawat blood donors na boluntaryong nag-aalay ng kanilang dugo. Mas maraming dugo na makakalap, mas maraming buhay ang maaari nating mailigtas.

Bukod sa magandang maidudulot nito sa mismong katawan ng nag-aalay ay labis na galak at kasiyahan ang malamang tayo ay makapagduduktong ng marami pang buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento