Nitong nakaraang Linggo, June 26, 2011 ay nagsagawa ng kanilang kauna-unahang Blood letting Program ang Christian Foundation for the Children and Aging o CFCA-Binangonan Chapter. Ito ay isinagawa sa Covered Court ng Barangay Hall ng Brgy. Macamot sa nasabing bayan.
Sa pakikipag-ugnayan ng Grupo sa Angono Life Savers at Philippine Blood Center ay nakapangalap ang grupo ng 26 na bag ng dugo mula sa mahigit isandaang nagsidalo.
Ipinahayag naman ng CFCA Staff na si Mrs. Ester Rivera ang pagnanais nito na gawing regular na rin sa kanilang bayang nasasakupan ang Blood Donation. Sa Hulyo ay target ng CFCA at ALSI na makapagsagawa ng kahalintulad programa sa Isla ng Talim. Gayundin naman ay may nakatakda na rin sa Brgy. San Luis, Antipolo.
Noong June 12, ay ang unang pagkakataon na nakipag-ugnayan ang CFCA sa ALSI para sa proyektong isinagawa sa Bgry. Poblacion Ibaba, Angono, Rizal kung saan ay nakakalap naman sila ng 36 na yunit ng dugo mula sa kanilang mga miyembro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento