Biyernes, Hulyo 29, 2011

Life Savers, Binigyan ng Pagkilala ng Philippine Red Cross

"Your blood is not just fluid, you blood is life", iyan ang naging bungad na wika ni Philippine Red Cross Chairman at dating Senador Richard Gordon sa kanyang mensahe sa isinagawang Blood Donors' Recognition Ceremony sa Palacio de Maynila ngayong ika 29 ng Hulyo, 2011.



Nakatanggap ang Angono Life Savers ng Certificate of Appreciation kasama ang isandaan at walong ibang samahan at korporasyon. May limang iba pang kategoryang parangal ang iginawad naman sa ibang naimbitahan. 159 namang indibidwal o blood galloner ang naparangalan batay sa natatangi at kahanga-hangang dami o bilang nang kanilang naging pag-aalay ng dugo. Ang may pinakamataas na parangal ay nakuha ng isang guro na nakapagbigay na ng umabot sa 56 na beses.


Samantala, kabilang din sa mga nabigyang parangal ay ang Provincial Government of Rizal para sa natatanging serbisyo nito sa pangangalap ng dugo.


Sa mensahe ni Gordon sa nasabing palatuntunan, ay kanyang iginiit ang kahalagahan ng "volunteerism" lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Kanyang itinulak ang Project 143 ng Philippine Red Cross kung saan ay naghihimok ito na magkaroon ng isang lider at apatnaput tatlong miyembro o volunteer sa bawat barangay sa bansa. Nangangahulugan ito na kung may 42,000 na barangay sa Pilipinas ay maaring makapangalap agad ng halos 1.8M na dugo na maitutugon sa pangangailangan ng ating pasyente. Gayundin, kung ang mga ito'y masasanay at magiging handa sa mga oras ng pangangailangan ay agad na may makatutulong sa oras man ng kalamidad.



sa mga dagdag na larawan: http://www.facebook.com/media/set/?set=a.264132620267751.84442.100000130456678&saved#!/media/set/?set=a.264132620267751.84442.100000130456678&type=1


Miyerkules, Hulyo 20, 2011

ALSI at iba pang NGO, pasok sa MDRRMC ng Angono

by: Hegenio "Nick" Sisican, BOD
      Chaiman, DRRM Committee

Sa pulong na ipinatawag ng Angono Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) na pinangungunahan ni Kap. Joey Caderon nuong July 18, 2011 sa Session Hall ng Barangay San Isidro, ay dumalo ang ibat-ibang samahan tulad ng Angono Life Savers, ERPAT, Green Movement of Angono, LAMANGKA, RANGERS at DOMSA kabilang ang ilang sangay ng pamahalaan na kinabibilangan ng Municipal Health Office, Bureau of Fire Protection at DILG.

Ang pangunahing layunin ng Council ay palakasin at pagkaisahin ang lahat ng samahan na kaanib nito at upang makatulong sa mga mamamayan  ng bayan ng Angono lalo na sa panahon ng kalamidad. Nais din ng MDRRMC na alamin ang kakayahan ng bawat organisasyong kasama dito para sa usapin ng Drsaster Risk Reduction Management (DRRM).
Inalam din ni Kap. Calderon kung ano ang mga pagsasanay meron na ang bawat organisasyon tulad ng sa First- Aid, WASAR, Flood/Swiftwater, Mountaineering, Search and Rescue at iba pa.
Ayon sa kanya, magkakaroon ng tasking ang bawat organisasyon at indibidwal para gampanan ang kani-kaniyang mga tungkulin. Ilan sa mga iaatas sa mga kasapi ay ang Health, Search and Rescue, Evacuation, Transportation, Communication, Relief Operation,  Rehabilitation, Fire Suppression, Security, PIO at Information, Education and Education (IEC).
Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na ang tanging magbibigay ng pagsasanay o training para sa komunidad/barangay ay ang AMDRRMC lamang.
Makikita ang naging kalagayan ng ating mga kababayan matapos angBagyong Ondoy noong 2009
Photo courtesy of fisheriesreform.org.
Gayunman, ay kailangan magsumite ang bawat samahang kasapi ng listahan ng mga kinatawan at miyembro hanggang July 29, araw ng Biyernes na nagsasaad ng kanilang mga training/ seminar at ang kanilang mga kakayahan at kasanayang natutuhan buhat dito.
Samantala, nakuha naman ng ALSI ang tatlong atas, at kabilang dito ang IEC, WASH Advocacy, at Health. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng inyong lingkod kasama si Gng. Connie Ofamen, kapwa opisyales ng ALSI at miyembro ng Disaster Risk Reduction Management Committee.
Nauna pa rito, ay nakapagsagawa na at nakadalo ang ilang miyembro ng ALSI ng mga programa at pagsasanay hinggil sa DRR. Ang Disaster Risk Reduction bukod pa sa Health Education at ilan pa ay isa lamang sa mga adbokasiya ng Life Savers.

Linggo, Hulyo 17, 2011

Pagtatatag ng Local Blood Council, itutulak ng ALSI

Matapos ang ilang pagharap ng mga kinatawan ng Angono Life Savers sa Sangguniang Bayan ng Angono hinggil sa kahilingan nitong maamyendahan ang "Walking Blood Bank Ordinance" sa bayan ng Angono ay napagkasunduan na lamang sa nabanggit na usapan ang pag gawa ng panibagong ordinansa, resolusyon o executive order na magbibigay pagkilala at dagdag insentibo sa mga blood donors.

Bilang resulta nito, ay hiniling na lamang ng grupo na makapagtatag na Local Blood Council sa bayan upang higit na mapag-igting pa ang programa at tunay na magkaroon ng sistema sa pagpapatupad nito. Ito ay agad namang sinang ayunan ni Konsehal Gino Miranda sa pagsasabing mas mainam nga kung makakapagtatag na lamang ng konseho para sa nasabing programa.


Sa nakaraang pagpapasimula ng National Blood Donors Month sa Ynares Center nitong Hulyo 11, 2011 ay pinanawagan ng Department of Health ang mas maigting na pagpapalaganap ng voluntary blood donation sa bansa. Nasa halos 300,000 bag pa ng dugo ang kakulangan sa taunang pangangailangan ng bansa.

Nuong Enero 2010, ay naglabas ang DOH ng Administrative Order 2010-0002 na nag-uutos sa bawat rehiyon, lalawigan at mga highly urbanized na mga lungsod na magtatag ng Local Blood Council upang masuportahan ang implementasyon ng National Voluntary Blood Service Program (NVBSP) ng bansa para sa ligtas at sapat na suplay para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Ayon sa AO 2010-0002 na siyang nagtatakda ng mga polisiya sa pagtatatag ng Blood Council, ito ay dapat binubuo ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor tulad ng pamahalaan, paaralan, ospital, kasundaluhan/ kapulisan, NGO's at iba pa.

Para sa kopya ng naturang Order:

Ang sapat na suplay ng dugo ang isa sa mga pangunahing misyon ng grupo sa pagtatag ng Angono Life Savers.

Biyernes, Hulyo 15, 2011

Lose Weight Fast: How to Do It Safely



Sick of crash diets and fad diets? Follow these healthy tips for rapid weight loss.

You've heard it time and again: fad diets don't work for permanent weight loss. But what about those times when you really need to lose some weight fast? It's hard to pass up the promise of crash diets like the Lemonade Diet, Cabbage Soup Diet, orLose 21 Pounds in 21 Days when your mission is to squeeze into a new outfit in time for a reunion, wedding, or other special event.

So what's wrong with dropping 20 pounds fast so you can wow your friends and family with a svelte new shape?

The truth is that nothing is wrong with losing weight rapidly -- as long you do it the right way, says Michael Dansinger, MD. He's the medical doctor for NBC's The Biggest Losershow, which spotlights quick and dramatic weight loss.

"In theory, one could drop as much as 20 pounds in a week following a very ambitious eating and exercise plan, devoting more than seven hours per week to rigorous exercise, and under a physician's care like we do on the television program," he says.



But even if you can't drop everything to go to weight loss "boot camp," you can safely lose 3 or more pounds a week at home with a healthy diet and lots of exercise, says weight loss counselor Katherine Tallmadge, RD.

In fact, having a goal like looking great at a wedding or reunion can be a great motivator, as long as you follow a weight loss plan that you can keep up after the special event.

But you need to plan ahead and allow enough time to make changes to your shape.

"Don't wait until one week before the reunion to try and lose 10 pounds," advises Tara Gidus, MS, RD, team dietitian for the Orlando Magic.

How to Lose Weight Fast

Losing weight is a simple mathematical formula: You need to burn more calories than you eat. Experts generally recommend creating a deficit of 500 calories per day through a combination of eating fewer calories and increasing physical activity. Over the course of a week, this should yield a loss of about 1-2 pounds of fat.

If you want to lose weight faster, you'll need to eat less and exercise more. Bottom line: 1,050 to 1,200 calories and one hour of exercise a day (but be sure not to dip below this calorie level for safety's sake). On this type of plan, you can expect to lose 3-5 pounds the first week, or more if you weigh over 250 pounds.

"Dieters who follow the plan can lose 2 pounds from diet and 1 pound from exercise each week, and even more if they have more to lose, because the more fat you have to lose, the faster it comes off," says Dansinger.

You may lose even more weight initially if you limit salt and starches.

"When you reduce sodium and cut starches, you reduce fluids and fluid retention, which can result in up to 5 pounds of fluid loss when you get started," explains Dansinger.

Diets for Fast Weight Loss

When it comes to weight loss, calories count the most, says Dansinger. He recommends cutting back to a daily level of 7 calories per pound of your current body weight (which for a 200-pound person, for example, would be 1,400 calories), but no less than 1,050 calories/day (the lowest level that can be done safely at home). Dietitians more typically recommend 1,200 calories as a daily minimum.

Dansinger advocates a diet that minimizes starches, (even healthy whole grains should be controlled), added sugars, and animal fat from meat and dairy foods. For rapid weight loss, dieters should eat mainly fruits, veggies, egg whites, soy products, skinless poultry breasts, fish, shellfish, nonfat dairy foods, and 95% lean meat.

He notes that there are other ways to control calories, such as minimizing total fat, but believes that tends to be more challenging than his suggested weight loss plan.

Other experts interviewed by WebMD recommended tactics including drinking lots of water, eating plenty of protein, and keeping a food journal.

"Eat enough protein and distribute it evenly through your meals to minimize muscle loss and maximize fat loss," says Tallmadge, author of Diet Simple, who also advises clients to swap out carbs in favor of veggies.



American Dietetic Association spokesperson Dawn Jackson Blatner, RD, recommends:
·         Eat plenty of low-calorie vegetables to help you feel full.
·         Drink plenty of water so you don't confuse hunger with thirst.
·         Clear the house of tempting foods.
·         Stay busy to prevent eating out of boredom.
·         Eat only from a plate, while seated at a table.
·         Always eat three meals and one snack daily -- no skipping meals.

Weighing yourself daily and tracking your food intake can also help you keep focused, experts say.

"Even if you write it down on a napkin and end up throwing it away, the act of writing it down is about being accountable to yourself and is a very effective tool for weight loss," says Bonnie Taub Dix, MA, RD, a food and nutrition blogger for USA Today.

Although it won't actually help you lose weight, Blatner, author of The Flexitarian Diet, says that eating fennel seeds, ginger, parsley, peppermint, pineapple, and yogurt with honey one to three days before the big event can help you de-bloat and keep your tummy feeling flatter.

Exercising for Fast Weight Loss

Even if you are currently exercising, you'll need to kick it up a notch if your goal is rapid weight loss, says Gidus. A study published in the Archives of Internal Medicine indicated that losing weight requires close to an hour a day of moderate exercise.

That fits in with Dansinger's recommendation of seven hours per week of cardio exercise leading up to your special event.


"Cardio burns the most calories, so it is ideal for fast weight loss, but afterwards you need to include a few hours a week of strength training," he says. To burn the most fat, try to break a sweat after your warm-up and keep sweating for the entire hour, says Dansinger.

Most everyone can do an hour a day, but the intensity of your workout will depend on your current state of fitness. Experts recommend gradually increasing exercise intensity to avoid injury.
When you can't do cardio, Tallmadge recommends doing strength training at least twice weekly, working all your major muscle groups, and fitting in at least 15,000 steps a day (get a pedometer to keep count).

Gidus suggests doubling up on your exercise routine: "Do a morning and evening workout, and if you don't have time to do two a day, expend more calories in the workouts you are currently doing."

Another option is to incorporate interval training. The new South Beach Supercharged plan by Arthur Agatson, MD, promotes adding high-intensity intervals to workouts to burn more calories in less time.

"Interval training allows people to work harder without having to spend the entire time at the higher level, and over time, the more you do it, the easier it becomes to burn more calories," says Blatner.


Fad Diets and Crash Diets


Many people don't have the time to do the rigorous amount of exercise required to lose weight quickly, and so turn to fad diets. But keep in mind that if a diet plan sounds too good to be true, it probably is. So steer clear of programs that promote pills, laxatives, fasting, or potions, and any that promise weight loss faster than 2-3 pounds per week.

The truth is that cutting calories below 1,050 per day is counterproductive, because you need strong muscles to be able to exercise effectively.

"When you eat too few calories you lose fat but also precious muscle, which is the worst thing you could do because it slows your metabolism and makes it more difficult to increase exercise intensity or duration," says Dansinger.

And what about over-the-counter (OTC) diet pills? Except for the OTC version of Alli, most respected experts do not recommend them.

"Diet pills are either ineffective or extremely dangerous, and not recommended," says Dansinger.


The bottom line? Weight loss experts agree that any rapid weight loss diet should be identical to a long-term, sustainable plan -- and not a fad diet. And fasting or cutting calories below 1,050 are not appropriate for the long term unless you are under a physician's care.

Miyerkules, Hulyo 13, 2011

Yosi Free Angono? (w poll update)

Pabor ba kayo na ipagbawal na rin ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Angono?
Iyan ang naging tanong ng Angono Life Savers sa isa nitong poll question sa pamamagitan ng social networking site na Facebook.

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng datos ng mga nagkakasakit at namamatay dulot ng labis na paninigarilyo, sinimulan na sa Metro Manila ang pagbabawal sa pagyoyosi sa mga itinakdang pampublikong lugar. Nauna pa rito, ay may probisyon na sa batas (National Tobacco Regulation Act of 2003 o RA 9211) ang limitasyon at regulasyon sa paggamit nito.

Kaya't sa aming tanong na "Pabor ba kayo na ipagbawal na rin ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Bayan ng Angono?" marami ang sumagot at may magkakaibang opinyon.

As of July 18, 2011, 11:30pm
                           OO, ipagbawal sa buong bayan                                195 votes
                           HINDI dapat ipagbawal                                                10 votes
                           IPAGBAWAL sa mga PILING lugar lamang            45votes


http://www.facebook.com/home.php#!/profile.php?id=100000130456678&sk=questions



Mula nuong unang linggo ng Hulyo hanggang sa kasalukuyan ay may halos 250 na angtumugon at ang iba ay nag-iwan pa ng kanilang opinyon.


”why i vote on this, kc maraming students even sa schl.compound they smoke.i'm referring to those in high schl.ang colleges.those coll.students though most would react that they are not minors,"mostly" as they would say.are not aware or just dont mind, the health probs.they would be having dhil sa sigarilyo na yan.sana lng talagang maging matigas ang pag implement nito.”

“Super pabor!”

“kung ipag babawal ang mga bagay n ito dapat may magandang ehemplo ang mga tao pero kung cla mismo ang nkikita n lumalabag walang halaga ang maniwala d2 tnx”

“sundin ang nasa batas”

“dapat lang....... mahal na ang bisyo eh........ angono smoke free zone”

“dpat d lang sa angono sa buong pilipinas”

Tama..hehe... J0ke lng...pro bkt d nlng xe itigil ang pagpr0duce para wla na mabiling y0si...hehe..

“or maybe the gov't should increase the tax sa yosi since we cant prevent the smokers in pampering their habits. In that way, nde na nila kailangan mag increase ng tax sa food and other basic necessities.”

“sa public places lang naman iba-ban. I AGREE. Think of the children and everybody else who gets the worst end of being a second hand smoker

“dapat talaga total log ban na ang yosi sa ating bayan dahil ilang kababayan na rin natin ang namamatay dahil sa bisyong iyan?at may insedente pa na may namatay dahil sa madalas makalanghap ng ussok ng yosi!

“LIKAS N KTGASAN NG ULO NG PNOY
“Yes. It certainly works here in England.”




“tama un para mabawasan ang usok grabe ha sobra na ng init ng mundo ndi ba kau natatakot”

“ISANG MALAKING HINDI”

“kontra nman to... tigilan ang paninigarilyo at malako ang chance magka lung cancer...”

“dpat d lang sa angono sa buong pilipinas”

“oo ipagbawal sa buong bayan”

“para sa akin bawal, bawal sa buong pilipinas hehe..


“puluted n tau .grabe n pinas ka puluted

“kahit maliit na bayan ito, maraming gustong mabuhay ng matagal at walang sakit. mas makabubuti sa lahat kung iisipin din natin ang kinabukasan natin at ng mga bata.”

Joey Soliman:

“definitely!”

“Yes, finally there is a drive like this. Dapat nga matagal ipinatutupad sa buong Angono yan eh. Ang sarap sanang bumili sa Angono Public Market, kaso may malalanghap ka na usok ng sigarilyo kaya napipilitan kami sa Savemore, Grocer-E or Parco bumili. Dapat sa lahat ng lugar na pinupuntahan ng tao, kasama na pati yung mga sasakyang dumadaan sa Angono. Ang hirap naman yata nung pagsakay mo ng jeep, may naninigarilyo.”



“Para skin...ipagbawal lng sa mga piling lugar...at kung ipagbabawal talaga ay dapat...GUMAWA NG ORDINANSA O RESOLUTION ANG GOBYERNO NA IPASARA ANG LAHAT NG KUMPANYANG GUMAGAWA NG PRODUCTONG SIGARILYO AT HINDI NA PINAHIHINTULUTAN PANG MAKAKUHA NG PERMIT PARA MAKAPAG OPERATE MULI...kc kung wala pong sigarilyo ay wala ng maninigarilyo pa at matututong manigarilyo pa tulad ng mga kabataan na pag-asa ng bayan...”



Tuloy-tuloy pa rin at maari pang bumoto sa nasabing poll.

Samantala, ang poll na isinagawa ng Life Savers ay maaari o hindi gamitin ng mga kinauukulan bilang basehan ng kaugnay na resolusyon o ordinansa.


Lunes, Hulyo 11, 2011

More Blood, More Life

"We need heroes, men and women who is committed to help others by donating blood", iyan ang wika ni Health Secretary Enrique Ona sa kanyang mensahe sa Kick-off ceremony ng National Blood Donors Month ngayong taon na isinagawa sa Ynares Center, Antipolo City- lunes ng umaga, July 11, 2011.


Sa pagdiriwang na may temang "More Blood, More Life" ay pinangunahan ng Department of Health, kasama ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, blood donors associations at blood councils ang panawagan sa lahat ng mamamayan na patuloy na mag-donate ng dugo na walang anumang kapalit. Sa bisa ng P.D 1021 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos, kanyang itinalaga ang buwan ng Hulyo bilang National Blood Donors Month.

Sinabi naman ng pangulo ng Philippine Blood Coordinating Council, "ang buwan ng Hulyo ay inilaan para sa bawat matatapang at masisigasig na bayaning blood donors". Ayon kay Philippine Red Cross Secretary General- Ms. Gwendolyn Pang, ang hamon ay kung paano mahihikayat ang bawat kumpanya at ang malulusog na Pilipino na regular na mag-alay ng dugo. Inihayag pa ni Pang ang mithiin ang mithiin ng PRC na sana ay walang umalis sa blood bank ng walang dalang dugo para sa kanilang pasyenteng nangangailanagn.


Kasamang dumalo sa pagdiriwang ang ilang opisyal ng health department kabilang sina DOH Usec. Dr. Herbosa at Asec. Dr. Eric Tayag. Dumating din ang pangulo ng Blood Galloners Club na si G. Joel Torregonza na nagtala na ng halos 120 beses na voluntary blood donation.

Ayon sa DOH, ang bansa ay pangangailangan ng dugo na katumbas ng 1% ng populasyon ng bansa o halos 600,000 bag ng dugo. Sa kasalukuyan ay may kakulangan pa na halos 300,000 unit upang matugunan ang pangangailangan. Itinutulak ngayon ng pamahalaan ang pagkakaroon ng walking blood bank sa bawat barangay na handang mag-donate ng dugo 3-4 na beses sa isang taon.

Bilang tugon ay inihayag ni Rizal Vice-Governor Frisco San Juan Jr na ang Lalawigan ng Rizal ay ang magiging reference point sa bansa sa larangan ng blood donation.


Habang isinasagawa ang programa ay ginaganap naman ang isang Mobile Blood Donation na pinangunahan ng mga kapulisan ng Rizal Provincial Police at ng mga sundalo mula sa Philippine Army 2nd Infantry Division. (bdl)

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Maraming Salamat po sa Ating Parokya

Bilang pasasalamat ng Angono Life Savers sa Parokya ni San Clemente ay naghandog ang grupo ng maliit na regalo sa simbahan sa papamigatan ng dalawang (2) orbit fan na maaaring maidagdag sa ibaba ng formation center.

Ang pasasalamat ay naipaabot ng grupo kay Rev. Ferdinand Delatado na siyang kasalukuyang Diyakuno ng Parokya at katuwang ng Kura Paroka na si Rev. Fr. Roy Crucero.



Ang ALSI ay nagpapasalamat sa labis na kabutihang loob ng Parokya sa pagpapahintulot sa life savers na magsagawa at gamitin ang Formation Center ng ating simbahan sa tuwing magkakaroon ng blood letting ang grupo.

Ilan pa sa mga samahang pansimbahan na naging katuwang ng ALSI sa mga proyekto nito ay ang Knights of Columbus at ang Holy Name Society.

Sa nasabi ring paraan ay mas higit na nais maibalik ng grupo ang pasasalamat at pagpupuri sa Diyos sa lahat ng Kanyang pagpapala.

Provincial Accreditation ng ALSI, aprubado!

Sa bisa ng Resolution No. 124 s. 2011 ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal ay nakamit ng Angono Life Savers (ALSI), Inc, ang Certificate of Accreditation nito na kumikilala sa grupo bilang isang Non-Government Organization.sa Lalawigan ng Rizal.


Ayon sa Sec. 34 ng RA 7160 o "Local Government Code of 1991" ay tinataguyod nito ang pagbubuo ng non-government organizations/people's organization na humihikayat na maging kabahagi ang mga ito sa lokal na pamamahala.


Ang akreditasyon ay iginawad nuong June 27, 2011 at may bisa sa loob ng tatlong taon sa kondisyong iniaatas ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 95-113.

Ang Angono Life Savers, sampu ng mga kasapi at mga volunteers ay labis na nagpapasalamat sa pagtitiwalang ipinagkaloob ng 26th Sangguniang Panlalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Vice Governor Frisco San Juan Jr, at mga kasamang Bokal.

Linggo, Hulyo 3, 2011

Pangalagaan si Inang Kalikasan

Nasa 400 punla ng mga bagong tubong puno ng narra, banaba at mahogany ang pinagtulung-tulungang itanim ng mga miyembro at kinatawan ng ibat-ibang samahan sa bayan ng Angono, kaninang umaga lamang- Hulyo 03, 2011.


Kabilang sa mga sumama sa pagtatanim sa bahagi ng halos 3.5 ektaryang lupain sa kabundukan (boundary ng Angono at Binangonan) ng pamilya ng namayapang pintor na si G. Jose "Pitok" Blanco ang mga miyembro mula sa Angono Life Savers (ALSI), Blanco Family Academy, Juvenile Unification Movement for Progress (JUMP), Higante Makers (HIMASS) at Binangonan Life Savers (BLS). Ang proyekto ay bilang pakikiisa ng mga samahan sa National Greening Program ng pamahalaan na naglalayong mapangalagaan ang inang kalikasan.



Unang itinakda ang sabayang pagtatanim sa buong bansa nuong June 25, 2011, ngunit hindi lubusang naisakatuparan dulot ng dumaang bagyong "Falcon". Sa darating na June 08, ay magsasagawa ang Pamahalaang Bayan ng Angono sa pangunguna ni Mayor Gerry V. Calderon ng Ceremonial Tree Planting program sa Angono Eco-Park na matatagpuan sa tabing lawa, bahagi ng Brgy. Kalayaan. Ang lugar na tinawag na Eco-Park ay malayo na ngayon sa dati nitong itsura nang ito ay bigyan ng grupong Greenpeace ng "Nakasusulasok Award" ilang taon na ang nakararaan.



Ang pagtatanim ng puno ay isa lamang sa mga paraan upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan. Mahalagang bigyang pansin ang pagbabantay sa mga kabundukan at pagpapanatiling malinis ng mga daang tubig tulad ng ilog, dagat at kalawaan upang hindi na muling maulit pa ang kinatatakutan na pinsala tulad ng ang bagyong Ondoy ay dumaan.


Ayon pa sa ALSI, ito ay simula pa lamang ng mga proyektong pangkalikasan ngayong taon. Layon din ng grupo na maipamulat sa bawat tayo na ang pangangalaga kay inang kalikasan ay magdudulot din ng mas malusog pang pangangatawan at mas ligtas na kapaligiran.

Sabado, Hulyo 2, 2011

ALSI Sumailalim sa Emergency Response Training

Ngayong araw ay nagtapos ang unang bahagi pa lamang ng serye ng mga seminar ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. na may kaugnayan sa Emergency Response and Basic Life Support.

Sa pamamagitan ng pamamagitan ng makatotohanang pagganap o simulation ay naipakita ng mga nagsipagdalo ang kanilang mga natutuhan sa tatlong-Sabadong seminar na isinagawa kasama ang Taytay Rescue Team sa pangunguna ni G. Renato Logatoc at ilan pang mga kasama.



Labis na nadama ng mga kalahok ang ginawang simulation nang kanila nang makita ang mga nagsiganap na mga biktima na mga duguan at halos animo'y wala nang mga buhay sanhi ng matinding sakuna. Ang simulation at ginawa sa Siena College Taytay, kung saan ang ilang estudyanteng nakasaksi ay nagulat pa at inakalang totoo ang mga nangyayari.



Nakakuha naman ng 8/10 na puntos ang grupo mula sa Taytay Rescue batay sa kanilang ipinakitang pagresponde sa sakuna.



Matapos nito ay dumating at nagbigay ng mensahe si Mayor Gerardo V. Calderon sa mga nagsidalo. Sinabi pa ng kagalang galang na Alkalde ng Bayan ng Angono ang kahalagahan ng nasabing pagsasanay, lalo na sa pinaka maliit na lebel ng bayan. Mahalaga ika niya na malaman ng bawat mamamayan na maging handa ang bawat mamamayan lalo na sa oras ng kalamidad.


Nangako naman si Mayor Calderon ng higit pa na suporta sa grupo, kung saan ay itinalaga niya si Engr. Arnold Pinon at ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC bilang taga pag-ugnay ng ALSI sa munisipyo sa usapin ng Disaster Risk Management. Sa mga susunod na serye ng programa ay magsasagawa ang Life Savers ng mga community base trainings sa pakikipagtulungan sa MDRRMC.


Sa huli ay nag-abot ang Alkalde kasama ang Pangulo ng ALSI na si G. Gilbert Merino at ang ALSI DRR Chairman na si G. Nick Sisican ng Certificate of Attendance sa lahat ng sumailalim sa pagsasanay. Gayundin ay ginawaran ng Certificate of Appreciation mula sa ALSI ang Taytay Rescue Team sa napakalaking kontribusyon nito sa ikatatagumpay ng isa sa mga adbosiya ng grupo. 

 
Ang Emergency Response ay isa lamang sa mga adbokasiyang itinataguyod ng Angono Life Savers sa ilalim ng kanyang Disaster Risk Reduction Committee.