Sabado, Hulyo 2, 2011

ALSI Sumailalim sa Emergency Response Training

Ngayong araw ay nagtapos ang unang bahagi pa lamang ng serye ng mga seminar ng Angono Life Savers (ALSI), Inc. na may kaugnayan sa Emergency Response and Basic Life Support.

Sa pamamagitan ng pamamagitan ng makatotohanang pagganap o simulation ay naipakita ng mga nagsipagdalo ang kanilang mga natutuhan sa tatlong-Sabadong seminar na isinagawa kasama ang Taytay Rescue Team sa pangunguna ni G. Renato Logatoc at ilan pang mga kasama.



Labis na nadama ng mga kalahok ang ginawang simulation nang kanila nang makita ang mga nagsiganap na mga biktima na mga duguan at halos animo'y wala nang mga buhay sanhi ng matinding sakuna. Ang simulation at ginawa sa Siena College Taytay, kung saan ang ilang estudyanteng nakasaksi ay nagulat pa at inakalang totoo ang mga nangyayari.



Nakakuha naman ng 8/10 na puntos ang grupo mula sa Taytay Rescue batay sa kanilang ipinakitang pagresponde sa sakuna.



Matapos nito ay dumating at nagbigay ng mensahe si Mayor Gerardo V. Calderon sa mga nagsidalo. Sinabi pa ng kagalang galang na Alkalde ng Bayan ng Angono ang kahalagahan ng nasabing pagsasanay, lalo na sa pinaka maliit na lebel ng bayan. Mahalaga ika niya na malaman ng bawat mamamayan na maging handa ang bawat mamamayan lalo na sa oras ng kalamidad.


Nangako naman si Mayor Calderon ng higit pa na suporta sa grupo, kung saan ay itinalaga niya si Engr. Arnold Pinon at ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRMC bilang taga pag-ugnay ng ALSI sa munisipyo sa usapin ng Disaster Risk Management. Sa mga susunod na serye ng programa ay magsasagawa ang Life Savers ng mga community base trainings sa pakikipagtulungan sa MDRRMC.


Sa huli ay nag-abot ang Alkalde kasama ang Pangulo ng ALSI na si G. Gilbert Merino at ang ALSI DRR Chairman na si G. Nick Sisican ng Certificate of Attendance sa lahat ng sumailalim sa pagsasanay. Gayundin ay ginawaran ng Certificate of Appreciation mula sa ALSI ang Taytay Rescue Team sa napakalaking kontribusyon nito sa ikatatagumpay ng isa sa mga adbosiya ng grupo. 

 
Ang Emergency Response ay isa lamang sa mga adbokasiyang itinataguyod ng Angono Life Savers sa ilalim ng kanyang Disaster Risk Reduction Committee.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento