Matapos ang ilang pagharap ng mga kinatawan ng Angono Life Savers sa Sangguniang Bayan ng Angono hinggil sa kahilingan nitong maamyendahan ang "Walking Blood Bank Ordinance" sa bayan ng Angono ay napagkasunduan na lamang sa nabanggit na usapan ang pag gawa ng panibagong ordinansa, resolusyon o executive order na magbibigay pagkilala at dagdag insentibo sa mga blood donors.
Bilang resulta nito, ay hiniling na lamang ng grupo na makapagtatag na Local Blood Council sa bayan upang higit na mapag-igting pa ang programa at tunay na magkaroon ng sistema sa pagpapatupad nito. Ito ay agad namang sinang ayunan ni Konsehal Gino Miranda sa pagsasabing mas mainam nga kung makakapagtatag na lamang ng konseho para sa nasabing programa.
Sa nakaraang pagpapasimula ng National Blood Donors Month sa Ynares Center nitong Hulyo 11, 2011 ay pinanawagan ng Department of Health ang mas maigting na pagpapalaganap ng voluntary blood donation sa bansa. Nasa halos 300,000 bag pa ng dugo ang kakulangan sa taunang pangangailangan ng bansa.
Nuong Enero 2010, ay naglabas ang DOH ng Administrative Order 2010-0002 na nag-uutos sa bawat rehiyon, lalawigan at mga highly urbanized na mga lungsod na magtatag ng Local Blood Council upang masuportahan ang implementasyon ng National Voluntary Blood Service Program (NVBSP) ng bansa para sa ligtas at sapat na suplay para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Ayon sa AO 2010-0002 na siyang nagtatakda ng mga polisiya sa pagtatatag ng Blood Council, ito ay dapat binubuo ng mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor tulad ng pamahalaan, paaralan, ospital, kasundaluhan/ kapulisan, NGO's at iba pa.
Para sa kopya ng naturang Order:
Ang sapat na suplay ng dugo ang isa sa mga pangunahing misyon ng grupo sa pagtatag ng Angono Life Savers.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento