by: Hegenio "Nick" Sisican, BOD
Chaiman, DRRM Committee
Sa pulong na ipinatawag ng Angono Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) na pinangungunahan ni Kap. Joey Caderon nuong July 18, 2011 sa Session Hall ng Barangay San Isidro, ay dumalo ang ibat-ibang samahan tulad ng Angono Life Savers, ERPAT, Green Movement of Angono, LAMANGKA, RANGERS at DOMSA kabilang ang ilang sangay ng pamahalaan na kinabibilangan ng Municipal Health Office, Bureau of Fire Protection at DILG.
Ang pangunahing layunin ng Council ay palakasin at pagkaisahin ang lahat ng samahan na kaanib nito at upang makatulong sa mga mamamayan ng bayan ng Angono lalo na sa panahon ng kalamidad. Nais din ng MDRRMC na alamin ang kakayahan ng bawat organisasyong kasama dito para sa usapin ng Drsaster Risk Reduction Management (DRRM).
Inalam din ni Kap. Calderon kung ano ang mga pagsasanay meron na ang bawat organisasyon tulad ng sa First- Aid, WASAR, Flood/Swiftwater, Mountaineering, Search and Rescue at iba pa.
Ayon sa kanya, magkakaroon ng tasking ang bawat organisasyon at indibidwal para gampanan ang kani-kaniyang mga tungkulin. Ilan sa mga iaatas sa mga kasapi ay ang Health, Search and Rescue, Evacuation, Transportation, Communication, Relief Operation, Rehabilitation, Fire Suppression, Security, PIO at Information, Education and Education (IEC).
Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong na ang tanging magbibigay ng pagsasanay o training para sa komunidad/barangay ay ang AMDRRMC lamang.
Makikita ang naging kalagayan ng ating mga kababayan matapos angBagyong Ondoy noong 2009 Photo courtesy of fisheriesreform.org. |
Gayunman, ay kailangan magsumite ang bawat samahang kasapi ng listahan ng mga kinatawan at miyembro hanggang July 29, araw ng Biyernes na nagsasaad ng kanilang mga training/ seminar at ang kanilang mga kakayahan at kasanayang natutuhan buhat dito.
Samantala, nakuha naman ng ALSI ang tatlong atas, at kabilang dito ang IEC , WASH Advocacy, at Health. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng inyong lingkod kasama si Gng. Connie Ofamen, kapwa opisyales ng ALSI at miyembro ng Disaster Risk Reduction Management Committee.
Nauna pa rito, ay nakapagsagawa na at nakadalo ang ilang miyembro ng ALSI ng mga programa at pagsasanay hinggil sa DRR. Ang Disaster Risk Reduction bukod pa sa Health Education at ilan pa ay isa lamang sa mga adbokasiya ng Life Savers.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento