Lunes, Hulyo 11, 2011

More Blood, More Life

"We need heroes, men and women who is committed to help others by donating blood", iyan ang wika ni Health Secretary Enrique Ona sa kanyang mensahe sa Kick-off ceremony ng National Blood Donors Month ngayong taon na isinagawa sa Ynares Center, Antipolo City- lunes ng umaga, July 11, 2011.


Sa pagdiriwang na may temang "More Blood, More Life" ay pinangunahan ng Department of Health, kasama ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan, blood donors associations at blood councils ang panawagan sa lahat ng mamamayan na patuloy na mag-donate ng dugo na walang anumang kapalit. Sa bisa ng P.D 1021 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos, kanyang itinalaga ang buwan ng Hulyo bilang National Blood Donors Month.

Sinabi naman ng pangulo ng Philippine Blood Coordinating Council, "ang buwan ng Hulyo ay inilaan para sa bawat matatapang at masisigasig na bayaning blood donors". Ayon kay Philippine Red Cross Secretary General- Ms. Gwendolyn Pang, ang hamon ay kung paano mahihikayat ang bawat kumpanya at ang malulusog na Pilipino na regular na mag-alay ng dugo. Inihayag pa ni Pang ang mithiin ang mithiin ng PRC na sana ay walang umalis sa blood bank ng walang dalang dugo para sa kanilang pasyenteng nangangailanagn.


Kasamang dumalo sa pagdiriwang ang ilang opisyal ng health department kabilang sina DOH Usec. Dr. Herbosa at Asec. Dr. Eric Tayag. Dumating din ang pangulo ng Blood Galloners Club na si G. Joel Torregonza na nagtala na ng halos 120 beses na voluntary blood donation.

Ayon sa DOH, ang bansa ay pangangailangan ng dugo na katumbas ng 1% ng populasyon ng bansa o halos 600,000 bag ng dugo. Sa kasalukuyan ay may kakulangan pa na halos 300,000 unit upang matugunan ang pangangailangan. Itinutulak ngayon ng pamahalaan ang pagkakaroon ng walking blood bank sa bawat barangay na handang mag-donate ng dugo 3-4 na beses sa isang taon.

Bilang tugon ay inihayag ni Rizal Vice-Governor Frisco San Juan Jr na ang Lalawigan ng Rizal ay ang magiging reference point sa bansa sa larangan ng blood donation.


Habang isinasagawa ang programa ay ginaganap naman ang isang Mobile Blood Donation na pinangunahan ng mga kapulisan ng Rizal Provincial Police at ng mga sundalo mula sa Philippine Army 2nd Infantry Division. (bdl)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento